ERICH AT DANIEL copy

NAKAKALUNGKOT ang nangyayari kina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales dahil sa halip na maging tahimik ang kanilang breakup, lalong gumugulo. ‘Tapos, marami ang nadadamay, ang parents at ang sister ni Daniel na si Vanessa Matsunaga-Sunga. Kasama na rin sa isyu ang brother-in-law ni Daniel at husband ni Vanessa na si Jun Sunga dahil ipinagtanggol si Vanessa.

Nagsimula ang “ingay” nang ma-interview si Erich sa renewal ng contract niya sa ABS-CBN at natanong sa “money issue” sa breakup nila ni Daniel. Sumagot si Vanessa at hindi iyon nagustuhan ng fans ni Erich, hayun dinumog siya sa Instgram.

Ang kasunod nito ay ang pagpapa-interview ni Erich kay Marie Lozano ng ABS-CBN at sa mga ipinahayag niya, baka sumagot si Vanessa. Magsasagutan na sila at lalo pang lulubha ang isyu.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sabi ni Erich: ”What happened in our relationship is just between me and her brother. Gusto ko sana manahimik na lang at mag-move on na pero sila ‘yung comment nang comment sa social media.

“Social media is not the proper venue. I turned off the comment section of my Instagram account kasi pagpipistahan lang ng mga tao, lalong hahaba at hindi matatapos. Hindi ako mayaman, Vanessa, tama ka mahirap lang ako, hindi ako kasing yaman ng napangasawa mo. Pero sa mundong ito, ang realidad, hindi lang mayayaman ang nati-take advantage. Mas maraming mahirap ang napapagsamantalahan.

“Again, what happened is just between me and her brother. Ayaw ko na po sana magsalita but since pino-provoke ako and they want me to speak up, I will, I will tell all.”

Nakakalungkot talaga, tapos na nga ang relasyon nina Erich at Daniel, magkaaway na rin sila, at kung magkakabati man ay tiyak na aabutin pa ng mahabang panahon. (NITZ MIRALLES)