Tyga at Kylie copy

NAGING perfect spot ang tuktok ng Empire State Building ng New York para kina Kylie Jenner at Tyga para sa kanilang Valentine’s date dahil direktang katumbas ng 102 palapag na skyscraper ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Ibinahagi sa Instagram ng Lip Kit entrepreneur ang larawang nila ng kanyang boyfriend na rapper sa kilalang Manhattan building kahapon, na may caption na, “Happy Valentine’s.”

Inihayag din sa Twitter account ng Empire State Building ang pagdating ng kanilang special guests. ““@KylieJenner and @Tyga agree—these views are the most romantic in all of NYC. Happy #ValentinesDay!” saad sa tweet.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Umaga nagtungo ang magsintahan, kaya hindi nila natunghayan ang pag-ilaw ng kulay pula ng tore.

Sa pinaka-romantic na araw ng taon, ipinakita rin ni Kylie, 19, ang maraming regalo na natanggap niya mula sa kanyang boyfriend. Halos tatlong taon na ang kanilang relasyon.

Kinuhanan ng litrato ng Keeping Up With the Kardashians reality star ang ilang bouquet na hugis pusong pula at pink roses na card na may nakasaad na, “Will you be my Valentine?”

Maraming dapat ipagdiwang si Kylie ngayong linggo, hindi lang ang Araw ng mga Puso. Nitong Lunes, binuksan niya ang kanyang pangalawang pop-up shop sa New York City. Nagtungo rin ang pinakabatang miyembro ng Jenner sa malalaking Fashion Week show. Umupo si Kylie sa unahan kasama si Sofia Richie para sa Jeremy Scott Show, at nag-cheer para sa kanyang kapatid na si Kendall Jenner sa Alexander Wang show at nakipag-usap kay Madonna bago ginanap ang Philipp Plein Show. (ET Online)