VIENNA (AFP) – Inaresto ng Austrian police ang isang lalaking kamukha ni Adolf Hitler noong Lunes matapos siyang makitang pagala-gala sa bayan ng Nazi dictator, kinopya ang bigote at hati ng buhok ng diktador.

Ikinulong ang 25-anyos na Austrian sa kanyang apartment sa hilagang bayan ng Braunau am Inn kung saan isinilang ang Fuehrer noong Abril 20, 1889.

Iniulat na nagpapakilala ang lalaki na si “Harald Hitler” at iginiit na bigyan siya ng “Austrian mineral water”.

Dinampot siya ng mga awtoridad batay sa 1947 Austrian law na nagsasaad na ilegal na isulong ang Nazi ideology.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

“It was obvious that he glorified Hitler,” sabi ni police spokesman David Furtner.