KIM AT GERALD copy

HINDI agad napasama si Gerald Anderson sa production number ng grupo niya sa thanksgiving presscon ng Star Magic dahil sa nakorner siya ng entertainment press for interview.

Ikinuwento ni Gerald na malapit nang mapanood ang pagbabalik-tambalan nila ni Kim Chiu. Masayang-masaya ang actor na pagkaraan ng sampung taon ay katrabaho ulit niya ang dating kasintahan.

“Happy lang ako na nakakasama ko siya ulit, walang words para i-describe ‘yung saya ko kasi ten years ago kasama ko siya. Wala din naman ako dito kung hindi dahil sa kanya, and also it feels good to catch up ulit sa mga bagay-bagay na dating pinagkakaabalahan na namin ngayon,” sabi ni Gerald.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Happy rin si Gerald sa magandang takbo ng samahan nila ng sinasabing kasintahan na uli niya ngayon na si Bea Alonzo.

“Yes, of course, ‘yun ‘yung point kung bakit kayo nag-spend ng time with the person you love, di ba? Kasi nai-inspire ka and dapat na i-inspire mo din siya,” napatawang banggit ng binata.

Pero agad ipinaliwanag ni Gerald na nagkikilalanan uli sila ngayon ni Bea. Dapat lang naman daw na hindi minamadali ang mga ganitong bagay.

“Hindi po naman kami nagmamadali. Alam ko na nakakasama nang pakinggan ang ganitong paliwanag pero ngayon kasi marami pa kaming nalalaman sa isa’t isa. Sobrang dami ko natututunan sa kanya.

“Bilang isang lalaki, malaking bagay ‘yun para sa akin,” seryosong banggit ng binata.

Tiniyak ni Gerald na kung dumating man sa puntong “sila na” uli ni Bea ay isi-share niya iyon sa publiko.

“Kumbaga, sanay na kayo sa akin na masyado akong private na tao lalo na pagdating sa relationship, pero kung talagang maging kami na nga ni Bea, eh, bakit ko pa ‘yun itatago? I mean, walang dahilan para hindi ninyo malalaman ‘yun,” lahad pa ng actor. (JIMI ESCALA)