GENEVA (AP) — Nakumpleto ng Switzerland ang dominasyon sa two-time champion France, 4-1, para makausad sa semi-final ng Fed Cup.

Ibinigay ni Belinda Bencic ang krusyal na bentahe sa Switzerland, 3-1, nang pabagsakin si Pauline Parmentier 6-3, 6-4 sa reverse singles, habang tinalo ni Timea Bacsinszky si Kristina Mladenovic 7-6 (4), 4-6, 7-5.

Naitala ni Bacsinszky ang perpektong 3-of-3 sa World Group first-round match nang magwagi ang tambalan nila ni Martina Hingis sa doubles kontra Amandine Hesse at Mladenovic 6-4, 6-4.

Nitong Sabado, ginapi ni Bacsinszky si Alize Cornet 7-5, 6-4 sa opener ng indoor hardcourt, habang naitabla ni Mladenovic ang serye sa 6-3, 6-4 panalo kontra Bencic 6-3, 6-4.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Host ang Belarus laban sa dadayong Switzerland sa semifinals nitong Mayo.