Ikinalungkot ni Southern Police District (SPD) Director chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. ang pagkakadawit ng isang tauhan ng Las Piñas City Police kaugnay ng umano’y pagdukot at tangkang pagpatay sa isa umanong tulak ng ilegal na droga sa nasabing lungsod.

Kinilala ni Apolinario ang suspek na si PO3 Abmar Mohammad, miyembro ng Salaam Police ng Las Piñas City Police Station, at tatlo niyang kasabwat na kinilalang sina “Amin”, “Ulom”, at “Ismael”.

Kasalukuyan namang nagpapagaling at mino-monitor sa isang ospital sa batangas si Amante Valdos, 30, ng Barangay CAA, Las Piñas City.

Ayon sa SPD, dinukot ng apat na suspek ang biktima sa CAA, Las Piñas City noong Pebrero 5, dakong 4:00 ng hapon.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sinasabing si Valdos ay supplier ng ilegal na droga at hindi nakapag-remit ng napagbentahan (drugs estafa) dahilan upang dukutin siya ng mga suspek at sapilitang ikulong sa Mosque sa Bgy. CAA, Phase 2 ng naturang lungsod.

Noong Pebrero 8, dinala umano ang biktima sa Bgy. Cahil, Calaca, Batangas at dito binaril at inakalang wala nang buhay nang iwanan ng mga suspek.

Masuwerteng nasagip ang biktima at agad dinala sa pagamutan kung saan isinalaysay sa Calaca PNP ang insidente.

Pagsapit ng Pebrero 10, nakipagtulungan ang Calaca Police sa SPD para mahuli ang mga suspek sa pamamagitan ng ng “hot pursuit” operation at dito na tuluyang naaresto si Mohammad at kanyang mga kasabwat.

“There are unscrupulous people, including ‘scalawag’ policemen doing DUIs (death under investigations) like this incident to cover up their illegal activities. It is just very unfortunate that they are doing these while the government is busy setting their best foot forward on War on Drugs. Although there is still some erring/scalawag police personnel who are engage in nefarious activities such as illegal drugs, the PNP is continuously weeding them out,” pahayag ni Apolinario. (Bella Gamotea)