JC De Vera, Shaina Magdayao, Denise Laurel, Carlo Aquino copy

PANOORIN ang premiere telecast sa Lunes, Pebrero13, ang kakaibang kuwento ng pagmamahalan sa The Better Half, ang pinakabagong serye ng ABS-CBN tungkol sa hangganan ng pagsasakripsyo ng isang tao alang-alang sa pag-ibig.

Gagampanan nina Carlo Aquino, Denise Laurel, JC de Vera, at Shaina Magdayao ang mga tauhan ng dula na ipaglalaban ang mga taong itinadhana sa kanila sa kabila ng mga kasinungalingan, panlilinlang, at mga sekreto.

Si Jeffrey Jeturian ang direktor nito mula sa produksiyon na nagbigay ng mga de-kalibreng seryeng Be Careful With My Heart, Dream Dad, Ningning, at The Greatest Love.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Mag-asawa sina Camille (Shaina) at Marco (Carlo) na nauwi sa trahedya ang pagsasama sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan ng huli.

 Inakala ni Camille na patay na ang asawa, at makikilala niya si Rafael (JC) na tutulungan siya para makalimutan ang nakaraan. Ngunit agad mapuputol ang maligayang pagsasama nila nang muling magpakita kay Camille si Marco, na may iba na ring asawa, si Bianca (Denise).

Sa muling pagkikita, kaya bang talikuran nina Camille at Marco ang kasalukuyang buhay nila o kalilimutan na lamang ang pag-ibig ng nakaraan? Hayaan naman kaya nina Rafael at Bianca na muling maging maligaya sa piling ng isa’t isa ang kanya-kanyang minamahal, o ipaglalaban pa rin ang kanilang karapatan? Ano ang kayang gawin ng apat na nagmamahal upang patunayang sila ang ‘the better half’?

Kasama rin sa The Better Half sina Epi Quizon, Nadia Montenegro, Rommel Padilla, Carmi Martin, Zeppi Borromeo, Maila Gumila, Bart Guingona, Mari Kaimo, Joyce Ann Burton, Regine Angeles, Junjun Quintana, at Pooh.