Alden & Maine - DTBY copy

ALIGAGA na ang AlDub Nation (ADN) habang papalapit na ang airing ng first teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza sa GMA-7.

Hindi man natuloy ang unang schedule sa pilot ng Destined To Be Yours na February 13, as their Valentine’s Day offering, sabi nila, sakop pa rin naman ng Valentine month ang February 27.

Sa unang teaser pa lamang na ipinasilip ng GMA-7, na hindi pa nagkita sa isang art gallery sina Benjie (Alden) at Sinag (Maine), kinilig na agad ang fans ng dalawa. After a week, may bago na uling teaser, at napanood na nagkita na sila sa art gallery. 

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ang nakakatuwa pa, tumutulong ang ADN sa promotion dahil bawat fans club ay gumagawa ng kani-kanilang poster na ikinakalat nila sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. Ang isang grupo, nagdikit na ng posters hanggang sa kanilang barangay – at hanggang sa barangay hall.

Kaya kahit halos walang tulog sa taping, hinaharap pa rin nina Alden at Maine ang fans na dumadayo sa set. Noong isang araw, as early as 6:00AM ay nasa Tanay, Rizal na sila, may dalawang locations sila roon at saka lumipat sa Alfonso, Cavite at kalaunan sa Tagaytay City. 

Ayon sa ilang fans na nag-tweet sa amin, sabi raw ng cameraman ng production, ito pa lang ang teleserye na nagawa nilang magaganda ang views sa location kaya tiyak daw magugustuhan ito ng mga manonood.

Patuloy pa ring napapanood sa Eat Bulaga sina Alden at Maine kapag wala silang taping, either sa Broadway Studio o sa barangay na pinupuntahan ng “Juan For All All for Juan” kahit laging dumog ang mga tao. Ipinangako raw ito ni Mr. Tony Tuviera sa mga sumusubaybay sa longest running noontime show.

Looking forward ang televiewers sa Valentine’s Day dahil may special presentation ang Dabarkads, na pangungunahan nina Alden at Maine. May teaser na silang ipinakikita para sa special Love Day, titled “Hihintayin Kita...”

(Nora Calderon)