JULIA copy copy

MASAYANG-MASAYA si Julia Montes sa tagumpay ng pinagbibidahan niyang Doble Kara na magtatapos na ngayong linggo.

Maraming blessings na inihatid sa kanya ng nasabing serye.

“Sobrang hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko,” sabi ni Julia sa thanksgiving presscon nila. “Alam ko lagi n’yo na lang naririnig sa akin na blessings ito dahil hindi po ako napapagod na magsasabi na I’m blessed dahil sa tiwalang ibinigay sa akin ng Dreamscape at ng buong core group ng Doble Kara.”

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Dahil sa napakataas na ratings ng Doble Kara na nagpatiklop sa lahat ng show na itinapat sa kanya ay tinagurian siya bilang Daytime Drama Queen.

Ni minsan ay hindi raw sumagi sa isip niya na mangyayari sa kanya ang mga nagaganap sa career niya ngayon.

“Kaya nga po minsan kapag nagdarasal ka overflowing po ‘yung ibinigay sa atin ng Diyos. Unexplainable po at masarap sa pakiramdam dahil mas gaganahan ka at mas pagbubutihin mo ang trabaho mo kasi sa totoo lang, eh, para sa kanila lahat ng ito,” sabi ng dalaga.

Pero nilinaw agad niya na hindi big deal para sa kanya ang pagkakaroon ng title. Mas importante sa kanya ang suporta ng kanyang fans na sumubaybay sa lahat ng mga proyekto niya.

May lungkot ding nararamdaman si Julia sa pagtatapos ng seryeng minahal niya nang husto sampu ng mga kasamahan niya.

Ngayong ilang araw na lang mapapanood ang show, tiniyak ni Julia na magbabalik agad sila sa panibagong proyekto.

“Ayoko na lang muna magbigay ng buong detalye pero sana naman, eh, abagan ninyong lahat ang bago naming serye.

Abangan na lang nila kung p’wede nang pag-usapan ang bago kong show. Basta ako, eh, nai-excite ako kasi bagung-bago, hindi lang po sa role, physically, emotionally. Sa akin lang, eh, dream come true din po kasi ‘yung mga makakasama ko na sa team and buong cast. Sana nga lang matutuloy,” may himig panalanging sabi ng dalaga.

Ngayong patapos na ang Doble Kara, matutupad na siguro ang matagal nang kahilingan ng mga tagahanga nila ni Coco Martin na guesting niya sa FPJ’s Ang Probinsiyano.

“Hindi po sa akin mangyayari ‘yun, depende pa rin ‘yun. At kung ako naman ang tatanungin, eh, walang problema, p’wede kung p’wede, why not,” aniya pa. (Jimi Escala)