DIEGO AT CESAR copy copy

MABILIS na kumalat sa social media ang isyu ng mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga na nagsimula nang pagbantaan daw ng una ang huli na ipadadampot sa mga pulis dahil gumagamit daw ng ipinagbabawal na gamot.

Masusundan ang galit ni Diego sa pagkakasunud-sunod ng kanyang posts sa Instagram at mayroon din sa Twitter.

Ang unang post ni Diego: “Ito ka??? @cesar_montano #sakaypa!!! Padamputin mo na ako lagyan ako ng karatula di ba iyan ang sinabi mo? Kaming dalawa ng kapatid ko? Magmalinis ka na sakay ka na sa kanila pero sarili mong anak di mo ipagtanggol. Sarili mo lang! Magaling????? Best actor ka nga! Ano pang gusto mo? Drug test? DNA test?

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Ako ba talaga anak mo? Ilan ba talaga kaming anak mo? Baka hindi ka pa sigurado. Pinapalayas mo pa ako sa bahay na iniwan mo para sakin.

“Samantalang wala ni isang piso hiningi ko sa ‘yo mula bata pa ako. Panglimang drug test na ipinagawa niyo sa ‘kin LAHAT negative pero lakas pa rin ng loob mo na pagbintangan akong adik. Ano pa ngayon? Ano pang intriga gusto mong gawin? Ramdam na ramdam ko nga na mahal mo ‘ko.

“ Salamat, Makadiyos ka pa? Panay simba ka nga pero wala kang ginawa kung hindi gumawa ng kasalanan. I think I speak on behalf of all my siblings. SANA LUMABAS LAHAT NG BAHO MO. Duwag!! -- written by the UNGRATEFUL child who was denied by his father. So really am I an UNGRATEFUL CHILD because to him I am not even his child.”

Sa isa pang post ni Diego na may picture si Cesar kasama si PNP Chied Ronald “Bato” dela Rosa, tinawag niyang “hipokrito” si Cesar.

Nag-throwback pa si Diego nang ire-post ang post ni Cesar noong 2016 na hawak ang three checks na para raw sa mga anak nito kay Sunshine Cruz.

Sabi kasi ni Cesar: “YEEY, SCHOOL TUITION OF MY 3 DAUGHTERS ARE PAID FOR THE ENTIRE YEAR 2016. I JUST PAID THEM! ALL GLORY TO GOD! I hate to do this making it public. I don’t have to do this but after learning that some people get me wrong info, oopss got to do it now. Also I think I owe my 3 daughters (Angelina, Samantha, & Francesca) this information and their friends too. And I will do this again next time. Pls bear with me, guys. IT HAS BEEN MY PASSION GIVING MY KIDS GOOD EDUCATION FROM DAY ONE.

“HOW BOUT U DIEGO TULOY MO NA COLLEGE MO HABANG BUHAY PA DAD MO. HEHE. BATA KA PA, U CAN DO BOTH, PAG-AARTISTA AND SCHOOL. THERE’S NO SUBSTITUTE FOR EDUCATION... BASTA I’M HERE FOR U. I LOVE U DIEGZ! I LOVE U ANGELINA, SAMANTHA & FRANCESCA. I’M ALWAYS HERE FOR U 100%.”

Comment ni Diego sa post na ito ng ama: “Salamat naman sa Diyos pinag-aral mo ang mga anak mo. Karapat-dapat lang naman ata ng isang ama gawin ‘yun, eh, ‘no? Pangako mo sa ‘kin? Nasaan na? Ayaw mo pa gawin to sa social media? Eh, ako din ayoko sana pero puro ka hocus-pocus. Daig mo pa magician. Wag ka na lang sana magsatsat kung di mo tutuparin.

Sa lahat ng nakakabasa nito iisipin niyo siguro wala akong respeto kasi ama ko iyan, pero sana tandaan niyo mula nang pinanganak ako ng nanay ko dineny ako niyan hanggang ngayon!! Kaya siguro pwede ako magsalita ng ganito.”

May kasunod pang post si Diego na, “COME AT ME BRO” at ang caption niya ay, “Asahan niyo na pag ako nawala bigla o makita niyo na lang ako sa news na pinatay ako dahil daw drug adik/pusher o kaya na accidente at namatay, alam niyo na kung bakit.”

At may kasunod pa siyang post na, “Sa mga nag-aakalang hacked to porket Tagalog ang wikang ginamit ko. Pag hindi ko to tinanggap sa acct ko o di ako nga talaga ito!!!

Ang caption ni Diego sa post niya, “COMMENT PA SIGE. SHOWBIS LANG PALA AKO?? Katagal-tagal ko nang nananahmik tungkol dito pero kahit sinong tao napupuno din!!!”

Palaban pa rin ang sumunod na post ni Diego na panawagan kay Cesar: “Sana sumagot ka. Ang dami ko pang ebidensya kung anong klaseng tao ka talaga.” Sinundan pa niya ito ng “@cesar_montano KAW NA LANG INAANTAY KO. ANO NA NAMAN KASINUNALINGAN ILALABAS MO PARA PAGTAKPAN PANGALAN MO. HYPOKRITO!!”

Ang sunod na post ni Diego ay ang picture nila ni Cesar na magkahati ang mukha. Ang caption niya rito ay “SHOBIZZ KAPLASTIKAN.”

Nakakaloka dahil pati text message ni Cesar, ipinost na rin ni Diego: “Today? Kung di ka busy magkita tyo. Love u!

God bless.” Pero galit pa rin ang sagot ni Diego na “SINUNGALING! @cesar_montano sagot ka pa para pwede ko i-post ang katuluyang conversation nyan!!!

Tuluy-tuloy ang pagpo-post ni Diego at sa ipinost na picture ni Cesar na suot ang t-shirt na may flag sa dibdib, ang sabi niya, “Yan. Dyan ka magaling. Lokohin lahat ng tao na mabuti kang tao. May God bless your soul, you hypocrite.”

Sa sobrang galit ni Diego sa ama, pati picture nito kasama si Maria Ozawa ay ipinost at nilagyan ng caption na, “Don’t we all know what really happened here #MAHIYA KA TATAY KA NA, ANO PANG PINAGGAGAWA MO?”

May message of support kay Diego ang mga kapatid niyang sina Angelina at Samantha, mga anak ni Cesar kay Sunshine.

Post ni Angelina: “You have been a great brother to us, Kuya Diego, you don’t deserve this. The three of us and mom are here for you no matter what, love you.”

Post naman ni Samantha: “Stay strong, Kuya Diego remember we’re always here for you! Love you so much.”

Inaabangan ang reaction ni Teresa Loyzaga, nanay ni Diego, pero hanggang mag-deadline kami, hindi pa ito nagre-react.

May mga nagpapayo rin kay Diego na tigilan na ang pagpo-post tungkol sa ama para hindi na lumubha ang away nila at para hindi na madagdagan ang bigat ng kanyang dibdib. May mga nagpaalala sa kanya na kahit ano pa ang mangyari ay ama pa rin niya si Cesar Montano. (NITZ MIRALLES)