Lady Antebellum copy

NAKAPAGSULAT na si Taylor Swift ng mga patok na sariling awitin, at kamakailan ay ibinabahagi na rin niya ang kanyang talento sa pagsusulat para sa ibang tao, mula sa kanyang dating boyfriend na si Calvin Harris hanggang sa country act na Little Big Town.

At ngayon, nais ng Grammy-winning country group na Lady Antebellum na maibahagi rin ni Swift ang kanyang pagsusulat ng kanta sa kanilang banda.

“I mean honestly Taylor, call us,” saad ni Hillary Scott sa isang panayam noong Linggo. “Like, we’re up for whatever,” dagdag niya. “Let’s go.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Isinulat ni Swift ang Better Man para sa Little Big Town, at nanguna ito sa Billboard Hot country songs chart ngayong buwan – na nagpabalik sa pangalan ni Swift sa country charts simula nang ilunsad ang kanyang powerhouse pop career noong 2014.

Inihayag ni Charles Kelly ng Lady A na nais nilang magsulat si Swift ng “nostalgic song… we like nostalgic songs.”

Idinagdag ni Kelley na nais din nilang maging No. 1 smash hit ito.

“I hope it would be No.1. That’s all I want,” aniya. “It better go No. 1 though. If we cut a song and it goes like No.2, I’m going to be so disappointed.”

Kinanta ni Swift ang Better Man at This Is What You Came For sa pre-Super Bowl concert nitong nakaraang weekend. Ang track ni Harris, na nakamit ni Swift ang credit gamit ang alias na Nils Sjobery, ay nagtatampok din kay Rihanna. Naging No. 3 ito sa Billboard’s Hot 100, na nagbigay kay Harris na pinakamataas na posisyon sa chart bilang lead artist.

Kamakailan, naglabas ang Lady A ng bagong single na You Look God, at ilalabas naman sa Hunyo 9 ang kanilang bagong album na Heart Break. (AP)