LUIS copy copy

HINDI nagustuhan ni Luis Manzano ang pang-iintrigang nagdadawit sa kasintahan niyang si Jessy Mendiola sa pagkalagas ng buhok ni Angel Locsin.

Si Jessy raw kasi ang endorser ng salon na pinagpaayusan ni Angel na naging sanhi sa pagkasira ng buhok ng huli.

Pero as gentleman as he is, ayaw na lang magbigay ng komento ni Luis hinggil sa isyu. Anumang sabihin daw niya kasi against man o pabor ay tiyak na pagpipistahan agad.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon pa kay Luis, pinaalalahanan niya agad si Jessy. Wala naman daw dapat ipagpapaliwanag si Jessy dahil endorser lang naman ito ng nasabing salon na nakasira sa buhok ng dating kasintahan.

Sa interview kay Angel, halos mapamura naman ang aktres . Pero sa ngayon ay wala pa naman daw siyang balak na dalhin ang usapin sa korte.

Sa maiksing buhok ngayon ni Angel ay nagmukhang “tomboy” ang aktres. Umabot daw sa dalawang pulgada na lamang ang buhok ni Angel nang malagas. Kaya hindi kataka-taka kung halos hindi maipinta ang galit ni niya.

Galit din ang netizens sa nangyari kay Angel, mukha ngang ang naging reaksiyon ng followers niya ang nakapag-udyok kaya pinakawalan na rin ng aktres ang ilang linggo nang kinikimkim na galit sa nangyari sa kanya.

Ayon naman sa legal expert na nakausap namin, dapat daw ay huwag nang patagalin ni Angel ang anumang isasampa niyang reklamo laban sa sumira sa buhok niya.

As presstime, wala pa rin naman daw natatanggap na anumang reklano ang sinasabing salon. (JIMI ESCALA)