Angel copy

NAGSALITA na si Angel Locsin sa isyung pagkalagas ng kanyang buhok na naging rason para magpagupit siya at gumamit ng wig.

Sa interview ni MJ Felipe na umere sa ABS-CBN News, inamin ng aktres na napilitan siyang baguhin ang estilo ng kanyang buhok dahil sa hair treatment na naging dahilan ng pagkalagas ng buhok niya.

“Sh_t happens you know, sh_t happens talaga,” sabi ng aktres.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kuwento ni Angel, nagsimula ang hair problem niya late last year. Itinago niya ang naging problema sa buhok sa pagsusuot ng caps at wigs. Binanggit din niya na dumating sa puntong two inches na lang ang haba ng kanyang buhok dahil sa pagkalagas.

Sinabi rin ni Angel sa naturang interview na kumokunsulta na siya sa kanyang legal counsel para sa gagawing hakbang laban sa salon na hindi pinangalanan.

“Honestly, wala talaga akong plan para mag-file ng case but depende din kasi kung paano sila makikipag-usap sa akin.

Gusto ko lang fair sila and I think iyon naman ang dapat, di ba? Kailangan may responsibility naman kasi talaga,” sabi ni Angel.

Endorser ng shampoo si Angel at siguradong apektado ang pagiging shampoo endorser niya sa pagkalagas ng buhok niya.

Ang dami pa namang bawal ‘pag endorser ka ng shampoo at isa na rito ang pagpapaiksi ng buhok dahil kailangang mahaba ang buhok ng isang endorser. (NITZ MIRALLES)