SAM copy

May Valentine’s date ulit si Sam Milby, ang girlfriend niyang modelo, blogger at TV host na si Mari Jasmine.

“It’s very different now kasi buong buhay ko before the six years, sanay ako na may relationship ako, so habang tumatagal ‘yung six years, parang medyo nasanay din ako na single ako. Single ako pero may mga dini-date ako, what I mean wala akong girlfriend talaga that time in six years.

“But ngayon na may in-introduce akong ‘this is my girlfriend’, parang nanibago ako roon, but it’s a good feeling obviously,” natawang kuwento ni Sam. “But, yeah, nanibago ako.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kasama ang ilang katoto, nakausap namin si Sam sa thanksgiving presscon ng Doble Kara. Paghahandaan daw niya nang husto ang Araw ng mga Puso.

“I went through years na walang Valentines, so it’s a date talaga,” tumatawang sabi ng binata.

Ano ang memorable na Valentine’s date ni Sam?

“Marami naman, pero ayokong i-share kasi may girlfriend na ako. ‘Tong Valentine’s Day na magkasama kami, ‘tapos kung isi-share ko, baka sabihin niya na ganito rin ‘yung ginawa ko, di ba?” katwiran ng aktor.

May show si Mari Jasmine sa Paris kasama si Kim Jones na asawa ni Jericho Rosales kaya tinanong namin si Sam kung paano at saan nila ipagdiriwang ang Araw ng mga Puso.

“Yes, dito, I think so. She’ll be gone on the first week of February and I think, she’ll be here na,” say ng aktor.

Mahilig magbigay ng regalo si Sam, ano ang ibibigay niya kay Mari Jasmine sa date nila?

“I hope we can have a special day, I don’t wanna share you know the plans what we gonna do. But yeah, I just hope to enjoy the Valentine’s Day, a great day. Sana walang trabaho, ha-ha-ha,” sabi ng aktor.

Wala na silang trabaho dahil nag-last taping day na sila ng Doble Kara na sa Pebrero 10 na ang huling airing nito.

Umabot ito ng isang taon at kalahati sa ere kaya masayang-masaya ang buong cast.

Kinumusta siyempre kay Sam ang leading lady niyang si Julia Montes.

“Masaya siyang katrabaho, okay kami. Medyo nai-intimidate lang ako ‘pag siya na si Sara, pero ‘pag siya si Kara, komportable ako,” tumatawang sagot ng aktor.

Naikuwento rin ni Sam na mas madalas na siya sa set ng Doble Kara kaysa umuwi sa condo unit niya sa Taguig.

“Nasanay na ako sa Acosta’s house, it’s a learning experience with them. Eleven years na ako sa business at first time ko maka-work sina Julia, Direk Manny (Palo) at sa iba rin. This is one of the longest teleserye I made, hindi ko alam kung ano ang mas matagal kung ito o ang Maging Sino Ka Man. Parang parehas lang,” sabi ng aktor.

May nabago na ba sa acting at sa pagsasalita niya ng Tagalog?

“Siguro mas naging kampante ako sa Tagalog, but iyon pa rin ang mahirap para sa akin kasi hirap akong i-express ‘yung sarili ko ‘pag tagalog. So ‘pag medyo mabibigat ang eksena, lalo na ‘pag galit, napi-pressure ako, iyon din ang struggle ko rito kahit matagal na ako dito sa Doble Kara, naging hard ako sa sarili ko, pressured ako.

“Kaya nagpapasalamat ako sa directors, sa co-actors sa patience nila sa akin lalo na sa mga eksenang nahihirapan ako,”paliwanag ng binata.

Bakit hindi pa rin siya sanay magsalita ng Tagalog gayong matagal na siyang naninirahan dito sa Pilipinas?

“It’s still hard when you’re grown-up your whole life. Late rin ako nag-start matuto, I was 21, and growing up not doing any language and wala akong experience sa ibang language.

“Actually, nakaka-relate ako sa bagong movie ni Jackie Chan na ire-release ng Star Cinema, matagal na siya sa States, ilang movies na rin, pero ‘yung nag-i-English pa rin siya, nakikita ‘yung hirap niya and I really relate to him in that way. If you want to express yourself, ‘yung struggle ko na may gusto akong sabihin, pero may duda kung tama ba ‘yung sinasabi ko. Kaya napapatigil ako.

“’Pag nasa set ako, ‘tapos may script, mas iniisip ko ‘yung script. Usually ‘pag aktor normally, you study the script and that’s natural sa ‘yo kasi iyon ang lengguwahe mo. Ako baligtad, kasi ako I have to memorize the script at hindi galing dito (puso) kundi dito (utak) kasi mas iniisip ko ‘yung meaning. At gusto kong sabihin iyon sa tamang pagbigkas, you know what I mean?

“Minsan mas nauuna ‘yung kaba ko kung tama ‘yung sasabihin ko kaya natitigilan ako minsan. Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa co-actors ko because they’re very supportive, the directors also and their patience. Sometimes it takes time talaga, at the start may kasama akong tutor sa set. I feel that I improved a lot naman.

“Tulad ni Jackie Chan, it’s really hard for me to express and to act out ‘yung todong emosyon pag laging language ang iniisip ko o ‘yung linya imbes na,” paliwanag ng aktor.

Magpapahinga muna si Sam pagkatapos ng Doble Kara at saka naman niya tatapusin ang matagal nang nabimbing album niya.

“Concentrate muna ako sa new album, one song na lang ang kulang,” aniya. (Reggee Bonoan)