ErichDaniel copy

MALALA nga siguro ang pinag-ugatan ng away at break-up nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales dahil bukod sa pag-delete ni Erich ng photos ni Daniel at photos nilang magkasama dalawa sa Instagram (IG), in-unfollow din niya sa IG ang Matsunaga family.

Ayaw na talaga niyang may koneksiyon siya sa pamilya ni Daniel.

Pero si Daniel, parang umaasa pang magkakabalikan sila ni Erich, batay sa post niyang ito:

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Whatever is happening between me and Erich right now should be between the 2 of us. Please... we have nothing against each other and my love for her will always be there... so sa lahat ng mga haters I just hope you guys respect her... tama na pls... grabe kayo.” (NITZ MIRALLES)