Bruno copy copy

PARA kay Bruno Mars, hindi na katulad nang dati ang buhay nang biglaang paumanaw ang kanyang ina noong 2013.

Ibinahagi ng 24K Magic singer ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang inang si Bernadette Hernandez sa bagong panayam sa kanya ng Latina magazine. Naging bukas siya tungkol sa hindi inaasahang pagpanaw ng kanyang ina sanhi ng brain aneurysm na bumago sa kanyang perspektibo sa buhay.

“My life has changed,” pag-amin niya. “She’s more than my music. If I could trade music to have her back, I would. I always hear her say, ‘Keep going and keep doing it.’”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Inihayag ng Grammy-award winning artist na tinuruan siyang magmahal ng kanyang ina at kung ano ang “woman is supposed to be.”

“When that goes away, a little more than half your heart goes away with it,” aniya.

Pumanaw ang kanyang ina sa edad na 55 at may anim na anak.

“You just gotta know that she’s with me everywhere I go,” saad niya sa Latina. “It’s something that you can’t imagine – the pain and the things that you keep going back to: ‘I wish I would’ve done this or said this.’ You just have to see life differently. It shows you the real importance of life. Nothing else matters in this world but family and your loved ones.”

Ibinahagi rin ni Bruno Mars, 31, ang tungkol sa kanyang ama na si Pedro Hernandez, at ipinaliwanag na ang kanyang “whole sense of rhythm” ay mula sa natutuhan niya sa pagtugtog ng bongos ng kanyang ama.

“He’s an old-school working musician, so that’s where the pinky rings come from, the patent-leather shoes, the suits, and the pompadour. It all stems from watching my father,” paliwanag niya. “I remember at the time, me and my sisters would be a little embarrassed when he would take us to school in his big-ass Cadillac. No one had Cadillacs in Hawaii. But my dad would show up in some boat-looking Caddy wearing some silky s —, and we’d run out into the car as soon as possible. And here I am wearing the swap-meet gold, driving Cadillacs.” (People.com)