PURA, Tarlac – Nilooban ng mga hinihinalang miyembro ng Bolt Cutter Gang ang Matindeg Elementary School sa Pura, Tarlac, at nalimas dito ang iba’t ibang gamit na aabot sa malaking halaga ang kabuuan, nitong Enero 28.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jerrymia Soley, natangay ng mga kawatan ang electric fan na nagkakahalaga ng P1,200; isang computer monitor, nasa P3,000; groceries sa principal’s office, at iba pang mga gamit na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P27,200.

Ang nakawan ay ini-report sa pulisya nina Agnes Casupana, 48, may asawa, nangangasiwa sa school canteen; at Leonor Taborete, 52, may asawa, guro sa nasabing paaralan.

Napag-alaman na puwersahang binuksan ang gate ng paaralan at winasak ang padlock sa principal’s office.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Leandro Alborote)