Hindi kuryente kundi isang tama ng saksak sa leeg ang ikinamatay ng isang electrician sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Jose Lago, 54, at residente ng 494 C-2 Capulong Street, Tondo, Maynila.

Habang isang Ramil Artemio, sinasabing hired killer, ang itinuturong suspek sa pananaksak sa biktima.

Sa ulat ni Police Supt. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, dakong 4:30 ng hapon kamakalawa nang maganap ang pananaksak sa Capulong St., malapit sa kanto ng Sto. Niño St., Tondo.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Sa salaysay ni John Raven Lago, anak ng biktima, bago ang insidente ay nakita pa niya ang kanyang ama na nakikipagtalo sa isang Angelito Lakandula na kaanak umano ng dating may-ari ng lupa na binili ng biktima.

Sa kasagsagan ng pagtatalo ay bigla na lang umanong dumating si Artemio na armado ng kutsilyong pangkatay at sinaksak sa leeg ang biktima bago mabilis na tumakas.

Naniniwala si John na sigalot sa lupa ang dahilan ng pagpatay sa kanyang ama.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)