Hawks, lusot sa Knicks sa 4 OT; Warriors at Cavs, wagi.
ATLANTA (AP) — Sentro ng usapin sa trade si Carmelo Anthony, ngunit hindi ito balakid para pangunahan ang New York Knicks. Subalit, nabalewala ang pinakamatikas na opensa niya sa kasalukuyang season.
Natabunan ni Paul Millsap ang season-high 45 puntos ni Anthony sa naitalang season-high 37 puntos, tampok ang g-ahead layup sa huling 27 segundo ng ikaapat na overtime para mailusot ang Atlanta Hawks kontra sa Knicks, 142-139, nitong Linggo (Lunes sa Manila).
Umabot sa halos apat na oras ang unang four-overtime game ng New York sa nakalipas na 66 taon. Naglaro si Millsap ng kabuuang 60 minuto, habang limang player, kabilang sina Anthony at Atlanta center Dwight Howard ang na-fouled out.
Naisalpak ni Anthony ang huling pagtabla sa regulation, gayundin sa unang overtime, bago napatalsik sa laro may 12.9 segundo sa ikalawang overtime. Naibuslo ni Courtney Lee ang 26-foot tying 3-pointer may 1.5 segundo ang nalalabi sa ikalawang OT at sa ikatlong extra period.
Ito ang unang sabak ng Knicks sa four-overtime game mula noong Jan. 23, 1951, kung saan natalo sila ng Rochester.
Nagwagi naman ang Atlanta sa unang four-overtime game na nasadlakan kontra Utah noong Marso 25, 2012.
CAVALIERS 107, THUNDER 91
Sa Cleveland, tumipa si Kyrie Irving ng 29 puntos, habang kumubra si LeBron James ng 25 puntos at 14 rebound sa panalo ng Cavaliers kontra Oklahoma Thunder.
Nakopo ng Cavs ang ikalawang sunod na panalo matapos mabigo ng anim saw along laro, kabilang ang tatlong sunod na naging daan para magmarkulyo si James laban sa management.
Nanguna si Westbrook sa Thunder sa naiskor na 20 puntos, 12 rebound at 10 assist para sa ika-24 triple-double ngayong season.
WARRIORS 113, TRAIL BLAZERS 111
Sa Portland, Oregon, hindi nakalaro si Stephen Curry dulot ng stomach flu, ngunit sapat ang liderato ni Kevin Durant sa naisalansan na 33 puntos at 10 rebound para sandigan ang Golden State Warriors kontra Portland Trail Blazers.
Nag-ambag si Klay Thompson ng 27 puntos para sa ika-10 panalo sa huling 11 laro ng Warriors. Nawalis din ng Golden State ang Portland sa apat na laro ngayong season.
Nanguna sa Portland si CJ McCollum sa naiskor na 25 puntos.
BULLS 121, 76ERS 108
Sa Chicago, ginapi ng Bulls, sa pangunguna nina Jimmy Butler na tumipa ng 28 puntos at Robin Lopez na may season-high 21 puntos at 10 rebound, ang Philadelphia Sixers.
Bumalikwas ang Bulls mula sa magkasunod na kabiguan sa sariling tahanan.
Balik sa starting lineup sina Butler at Dwyane Wade, kapwa ibinangko bilang parusa sa kanilang pagmamarkulyo laban sa kanilang kasangga.
Sumibat si Ersan Ilyasova sa season-high 31 puntos para sa Philadelphia, habang kumana si Robert Covington ng 21 puntos at season-high 12 rebound.
MAVERICKS 105, SPURS 101
Sa San Antonio, hataw si Seth Curry sa naiskor na 24 puntos sa panalo ng Dallas Mavericks kontra sa Spurs.
Naputol ng Mavs ang 12-game losing streak sa San Antonio.
Nanguna si Kawhi Leonard sa Spurs sa naiskor na 24 puntos.
PACERS 120, ROCKETS 101
Sa Indianapolis, ratsada si Paul George sa nahugot na 33 puntos at siyam na rebound, habang matinding depensa ang ibinakod kay James Harden para sa panalo ng Pacers sa Houston Rockets.
Nalimitahan si Harden sa 15 puntos mula sa 3 of 17 sa field, 2 of 10 sa 3-pointer at nagtamo ng walong turnover.
Nanguna sa Rockets si Ryan Anderson na may 27 puntos.
MAGIC 114, RAPTORS 113
Sa Toronto, kumubra si Nikola Vucevic ng 25 puntos at 10 rebound, habang tumipa si D.J. Augustin ng 21 puntos para gabayan ang Orlando kontra Toronto.
Hataw sa Raptors si Kyle Lowry na may 33 puntos, walong assist at limang rebound.
WIZARDS 107, PELICANS 94
Sa New Orleans, kumana si John Wall ng 18 puntos at 19 assist, habang tumipa si Bradley Beal ng 27 puntos sa panalo ng Washington kontra New Orleans at hilahin ang winning streak sa apat.
Nag-ambag sina Marcin Gortat ng 17 puntos at 11 rebound at Markieff Morris na may 21 puntos sa Wizards.
Nabalewala ang impresibong laro ni Anthony Davis na may 36 puntos, 17 rebound, tatlong steal at dalawang block.