Mga Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

4:30 n.h. -- Globalport vs Rain or Shine

6:46 n.g. -- NLEX vs Barangay Ginebra

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

MAPANATILI ang tsansa sa pinag-aagawang second spot na may kaakibat na twice-to-beat incentive sa playoffs ang tatangkain ng Rain or Shine sa pagsabak kontra Globalport sa unang laro ngayong hapon sa 2017 OPPO-PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Hawak ang barahang 5-4, kasosyo ng Star Hotshots ang Painters. My laro ang Star nitong Sabado kontra Meralco sa Antipolo City kung saan ang panalo ay magbibigay din sa kanila ng tsansa.

Kakailangan ng Painters ang panalo at walisin ang nalalabing laro kontra Batang Pier at Alaska para makasiguro sa No.2

Mapapalaban naman ang Painters sa Batang Pier ganap na 4:30 ng hapon.

Nasa ikaapat na puwesto ang Batang Pier kasama ang Ginebra Kings na may 5-5 karta.

Kasunod nito, magtutuos naman ang out of contention ng NLEX at Kings ganap na 6:45 ng gabi.

Kapwa galing sa talo ang Batang Pier sa kamay ng Talk N Text at ang Elasto Painters sa kamay ng Meralco sa nakaraan nilang mga laban.

Tulad nila, tatangkain ding bumangon ng Kings sa pagkabigong natamo sa kamay ng Phoenix sa nakaraan nilang laban upang mapaganda ang kanilang posisyon papasok ng playoff round kung saan ang No.3 at No.6 teams gayundin ang No.4 at 5 ay maghaharap sa best of 3 series para umusad sa semis. (Marivic Awitan)