Sinabi kahapon ni Puwersa ng Bayaning Atleta Partylist Congressman Jericho Nograles na baka hindi pagkalooban ng Kongreso ng emergency powers ang Department of Transportation (DoTr) upang makatulong sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko sa Metro Manila, dahil sa pagdududa sa kakayahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade.
Ayon kay Nograles, sang-ayon siya sa posisyon ni Speaker Pantaleon Alvarez na dapat ipagpaliban ng Department of Transportation ang implementasyon ng memorandum of agreement (MOA) ng gobyerno at ilang mall operators sa konstruksiyon ng MRT-LRT common terminal. Tama rin ang obserbasyon nito na labis ang paglaan ng P2.8 billion para sa isang train station. (Bert de Guzman)