May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Mag-asawang nasunugan at pumila sa ayuda, ninakawan ng motorsiklo!

Mag-asawang nasunugan at pumila sa ayuda, ninakawan ng motorsiklo!

Tila dobleng kamalasan ang inabot ng mag-asawang kabilang sa mga nasunugan sa Cebu City matapos tangayin ng kawatan ang motorsiklo nila habang nakapila sa ayuda.

Ayon sa mga ulat, maayos na ipinarada ng lalaking biktima ang kanilang motorsiklo sa gilid ng daan kasama ang ilan pang mga motor na noo’y pipila rin sana sa ayuda.

Subalit, pagbalik ng biktima ay wala na raw siyang nabalikan pang motorsiklo kung saan niya ito iniwan.

Sa kuha ng CCTV kung saan pumarada ang biktima, malinaw na nakuhanan ang mismong pagtangay ng isang lalaki sa motorsiklo ng biktima.

Samantala, sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad, isang kakilala ng suspek ang nag-chat sa biktima at sinasabing maibabalik na niya ang motorsiklong ninakaw.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Ayon sa imbestigasyon, minsan na raw kasing pinagnakawan ng suspek ang lalaking nagbalik ng motorsiklo ng biktima.

Sa kabila nito, bagama’t naibalik sa kanila ang ninakaw na sasakyan ay napag-alamang kulang-kulang na raw ang ibang piyesa nito at pinalitan na rin pati ang plate number nito.

Bunsod nito, nagdesisyon na ang mag-asawa na tuluyang magsampa ng kaukulang reklamo laban sa suspek.