Gumuhit ng kasaysayan ang isang Pilipinang cinematographer sa 98th Oscar Academy Awards nang maiuwi niya ang “Best Cinematography” para sa pelikulang “Sinners” noong Linggo, Marso 15.
Ang pagkapanalo ay mas naging makabuluhan para kay Autumn Durald Arkapaw dahil siya rin ang kauna-unahang babaeng nakapag-uwi ng pagkilalang ito, at kauna-unahang “woman of color” na nakasali sa nomination sa kategoryang ito.
Kaya sa kaniyang speech, kinilala at inalay ni Autumn sa kababaihan na nasa industriya ng pelikula.
“I’m so honored to be here. And I want all the women in the room to stand up because I feel like I don’t get here without you, guys. I really really, truly mean that. I felt so much love from all the women in this whole campaign,” pasasalamat ni Autumn.
Kinilala rin niya ang kaniyang crew sa naging pagkapanalo, gayundin ang asawa’t anak, at mga magulang, na nakikinig rin sa audience noong mga oras na ito.
Ang pelikulang “Sinners” ay ang pangalawang kolaborasyon ni Autumn sa direktor na si Ryan Coogler, kasunod ng “Black Panther: Wakanda Forever” noong 2018.
Si Autumn ay isang 46-anyos na cinematographer, na ipinanganak sa Oxnard, California.
Ang kaniyang ina ay Pinoy habang African-American Creoles naman ang kaniyang ama.
Una niyang siyang nakilala bilang cinematographer sa TV series na “On the Road in America” noong 2007, at ilan pa sa mga obra niya sa industriya ay ang “The Last Showgirl,” “The Kick of Destiny,” “Nike: Play New,” at ang music video na “Lift Me Up” ng Hollywood na si Rihanna.