BARBIE AT ANG KANYANG LEADING MEN copy

NAGKAHATI-HATI ang viewers ng Meant To Be sa Team Asukal, Team Gatas, Team Kape at Team Pandesal.

Ang Team Asukal ay supporters ng love team nina Barbie Forteza at Ken Chan. Ang Team Gatas ay maka-Barbie at Ivan Dorschner. Ang gusto ng Team Kape ay ang love team nina Barbie at Addy Raj at ang Team Pandesal ay love team naman nina Barbie at Jak Roberto ang gusto.

Team Asukal ang tawag sa love team nina Barbie at Ken dahil laging nakasimangot si Ken, kailangan daw nito ng asukal para tumamis at ngumiti.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Parehong maputi na parang gatas sina Barbie at Ivan, kaya Team Gatas ang itinawag sa love team nila.

Team Kape naman ang love team nina Barbie at Addy dahil may pagkamoreno ang Indian hottie.

Galing naman sa abs ni Jak ang Team Pandesal, bagay na bagay daw sa kanya ito at gusto ng viewers ng Meant To Be na laging topless si Jak para masilayan ang kanyang abs.

Sa paramihan ng followers, naglalaban ang Team Asukal at Team Gatas at humahabol ang Team Pandesal. Nag-aaway-away na ang fans nina Ken at Ivan kung sino sa dalawa ang mas bagay, mas may kilig at mas may chemistry ‘pag kaeksena si Barbie.

Kung kaguwapuhan, abs, at charm ang panlaban ng apat na leading men ni Barbie, ang pagiging cute, ganda at kahusayan sa pag-arte naman ni Barbie ang panlaban niya.

Pambato ng GMA-7 ang young actress sa kahusayan sa pag-arte sa drama man o sa comedy. (NITZ MIRALLES)