robin vina copy copy

MAGIGING magkumpare’t magkumare ang ex-couple na sina Robin Padilla at Vina Morales at sa Instagram ipinadaan ni Robin ang pagkausap kay Vina na maging ninang sa binyag ni Baby Isabella.

Nagkita sina Robin at Vina sa 118 anniversary ng Araw ng Republikang Filipino na isinagawa sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan. Nabanggit ni Vina sa social media na laging masaya na makasamang kumanta si Robin and happy siya na masaya si Robin sa kanyang pamilya ngayon.

Sumagot si Robin ng, “Ninang ka ha @vinamorales.” Sumagot si Vina ng, “Wow, Bin I’m touched, salamat sa tiwala. Yes, from Ninang Vina. Always praying for your family.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Siguro naman okay kay Mariel Rodriguez na kunin nilang ninang si Vina para kay Isabella. Wala nang selosan factor dahil matagal nang tapos ang Robin-Vina episode at siya ngayon ang mahal ni Robin. (Nitz Miralles0