MELBOURNE, Australia (AP) — Wala na ang defending champion na si Novak Djokovic. Sibak na rin sa draw ang No.2 seed na si Andy Murray. Bilang third-ranked, si Milos Raonic ang nalalabing player na may pinakamataas na ranking.

Sa pagkawala ng dalawang pamosong player, bukas ang pintuan kay Raonic na makamit ang breakthrough win para sa kauna-unahang major title.

“It sort of crosses your mind,” pahayag ni Raonic matapos patalsikin si Roberto Bautista Agust, 7-6 (6), 3-6, 6-4, 6-1, sa fourth round nitong Lunes.

“But it’s very insignificant because there’s a lot for me to even get past. ... I have some very difficult tasks ahead of me,” sambit ni Raonic, umabot sa Wimbledon final at semifinals sa Melbourne Park sa nakalipas na taon.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I’m pretty intent on staying in that moment, in that sort of challenge one at a time.”

Tunay na mabigat ang susunod na laban ni Raonic kontra kay 14-time major winner Rafael Nadal, nagwagi kay Gael Monfils ng France. Tangan ni Nadal ang 6-2 bentahe sa head-to-head duel kay Raonic.

Nakatuon din ang pansin kay U.S. Open champion Stan Wawrinka na umusad sa semifinals nang pabagsakin si Jo-Wilfried Tsonga 7-6 (2), 6-4, 6-3 sa Rod Laver Arena.

Makakaharap ni Wawrinka ang mananalo sa laban nang nagbabalik na si Roger Federer at Mischa Zverev.