MAGKAHIWALAY na nagkawanggawa ang magkasintahang sina Prince Harry at Meghan Markle.
Nakunan ng litrato si Meghan nang dumating sa Mumbai Airport sa India noong Sabado, pagkatapos bumisita sa Delhi upang i-promote ang kalusugan ng mga batang babae para sa World Vision Canada.
Limang araw na nanatili sa nasabing bansa ang 35-anyos na Canadian actress para itaguyod ang pangangalaga sa kalusugan na bahagi ng kanyang trabaho bilang ambassador ng nasabing charity.
Nag-enjoy din ang Suits star sa lokal na kultura at sa pagpapalagay ng henna sa kanyang kamay.
Samantala, nagkakawanggawa rin ang kanyang boyfriend na si Prince Harry nang bumisita sa Help for Heroes Recovery Center sa Tidworth, England, nitong Lunes.
Nakipagkita ang 32-anyos na royal sa mga war veteran at nakipag-usap tungkol sa kahalagahan ng kalusugang sikolohikal ng kalalakihan at kababaihan na nasugatan habang nasa serbisyo. (ET Online)