BANGKOK, Thailand – Sabak kaagad sa light workout si Melvin Jerusalem sa pagdating sa Thailand kahapon, limang araw bago ang nakatakdang laban kontra reigning World Boxing Council (WBC) minimumweight champion Chayaphon Moonsri.

Nakatakda ang laban sa Phitsanulok, isa sa pinakamatandang lungsod sa Thailand, mahigit isang oras ang layo sa Bangkok, ngunit nagpahayag ng kumpiyansa ang 23-anyos na pambato ng ALA boxing sa kanyng 12-round title fight.

“Fifty-fifty ang chance. Every boxer naman talaga may chance once umakyat ng ring,” pahayag ni ALA boxing head trainier Edito Villamor.

Tangan ni Jerusalem ang 11-0 karta, tampok ang pitong KOs), kabilang ang majority decision kontra dating world champion Florante Condes noong Nobyembre sa Cebu City.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“May lakas tsaka quickness din yung bata,” aniya.

Beterano naman ang Thai champ hawak ang 44-0 marka, tampok ang 17 KOs. Nasungkit niya ang titulo via knockout kontra Filipino Jerry Tomogdan noong Hunyo 2015.