LINGAYEN, Pangasinan – Tatlong sinasabing sangkot sa droga ang magkakasunod na dinakip sa buy-bust operation at checkpoint sa magkakahiwalay na lugar sa Pangasinan.

Inaresto kahapon si Marvin Calma, 32, truck driver, drug surrenderer at taga-Barangay Pinmaludpod, Urdaneta City, sa checkpoint sa Zone 2 sa nasabing barangay at nakumpiskahan ng isang .9mm caliber na Pietro Beretta.

Dinakip din sina Jesus Dacquel, Jr., 47, ng bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan sa buy-bust sa Bgy. Banaoang sa Mangaldan; at Reynaldo Juego, 49, ng Bgy. San Miguel, Calasiao, Pangasinan.

Nasamsam sa dalawa ang walong plastic sachet ng hinihinalang shabu. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR