XIA copy

PATULOY na umaagaw ng pansin ng buong mundo si Xia Vigor dahil sa kanyang performance sa Your Face Sounds Familiar Kids.

Hindi lamang buong Pilipinas ang pinabilib ng pitong taong gulang na si Xia sa paggaya kay Taylor Swift kundi pati na ang mga banyaga.

Inawit ni Xia ang hit song ng Hollywood singer You Belong With Me, maging ang sassy style ni Swift suot ang mini band dress at nagkikintabang bestida sa pagtatapos ng kanyang performance.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dahil sa atensiyon na nakukuha ni Xia ngayon worldwide, tampok na rin ang istorya niya sa Time magazine.

Matatandaang sumali na rin si Xia Vigor sa “Mini Me” kiddie talent competition ng It’s Showtime na paggaya rin sa mga sikat na aktres o aktor ang mechanics.

Dahil sa bibong pagtatanghal ni Xia ng rendition niya ng Love You Like A Love Song ni Selena Gomez, tinanghal siya bilang “Mini Me” Champion ng Season 2.

Ang half Filipino–half British na si Xia Vigor ay mula sa Binangonan, Rizal at kasalukuyang napapanood sa Langit Lupa ng ABS-CBN simula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 ng umaga hanggang 12:15 ng tanghali. (DIANARA T. ALEGRE)