BANJUL, Gambia (AFP) – Nagdeklara si President Yahya Jammeh ng state of emergency ilang araw bago ang nakatakda niyang pagbaba sa puwesto. Nagbunsod ito ng pagmamadali ng British at Dutch travel agencies na ilikas ang libu-libong turista nitong Miyerkules.

Si Jammeh, namuno sa Gambia sa loob ng 22 taon, ay tinalo ni Adama Barrow sa halalan noong Disyembre.

Nagdeklara siya ng state of emergency noong Miyerkules dahil sa ‘’unprecedented and extraordinary amount of foreign interference in the December 1 presidential elections and also in the internal affairs of The Gambia,’’ pahayag ni Jammeh sa state TV.

Sa Washington, hinimok ng US State Department si Jammeh na ‘’peacefully hand over power’’ kay Barrow -- na nasa Senegal, kung saan niya binabalak na manatili hanggang sa nakatakda niyang inagurasyon sa Huwebes.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina