FAN na fan ng mga beauty contest ang sumisikat na si McNeal Briguela na mas kilala bilang si Awra. Tagasubaybay daw talaga siya ng mga patimpalak ng kagandahan lalung-lalo na ng Miss Universe.
Panay ang dasal niya na maging maganda ang kapalaran ng pambato ng Pilipinas na si Maxine Medina. Nakikiusap din siya sa lahat ng mga kababayan natin na sana ay suportahan at ipagdasal din si Maxine.
“Siyempre, dapat na magkaisa tayong lahat at huwag na tayong lumayo ng susuportahan. Nandito na po ‘yung Miss Philippines, dito na tayo,” sey ni Awra.
Nakikiusap din si Awra sa mga gumagawa ng isyu laban kay Maxine. Nasasaktan kasi siya sa tuwing may nababasa siyang pamba-bash sa panlaban natin sa Miss Universe.
“Nasasaktan ako kasi Pilipino tayong lahat. Dapat lang na magsuportahan tayo at hindi ‘yung magsisiraan. Kaya dapat lang talaga na suportahan natin ang kapwa natin at ang kandidata natin na Pilipino din.
“Kasi po para rin naman po ‘yan sa bansa natin ang laban niya,” paliwanag ni Awra.
Ipinagdiinan ni Awra na wala siyang ibang kandidatang gusto maliban kay Maxine. Sana nga raw ay magkaroon siya ng pagkakataon na mapanood si Maxine sa mismong venue ng naturang beauty contest.
“Pretty siya and brainy para po sa akin and magaling din po mag-walk. Sana kung p’wede po gusto ko po sana manood,” sey pa ni Awra. (JIMI ESCALA)