MELBOURNE, Australia (AP) — Walang bahid ng kalawang ang laro ni Roger Federer at sa kabila ng anim na buwang pahinga, nananatili ang katatagan niya sa dikitang laban.

Naitala ng 17-time Grandslam champion ang 19 ace tungo sa 7-5, 3-6, 6-2, 6-2 panalo kontra Jurgen Melzer nitong Lunes (Martes sa Manila) sa men’s singles first round ng Australian Open.

“I was feeling nervous once the match actually started,” sambit ni Federer, lumaro sa ika-69 major event. “In the warmup ... I felt fine. Then I hit four frames in a row. It was like, ‘Whew, it’s not as easy as I thought it was going to be.’

“I struggled for a while to find that groove, that rhythm,” aniya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nabakante ng anim na buwan si Federer matapos sumailalim sa operasyon ang kaliwang tuhod na na-injured sa semifinal game ng torneo sa nakalipas na taon. Hindi siya nakalaro sa French Open para tuldukan ang 65 sunod na Grand Slam appearance.

Nagbalik aksiyon siya sa Wimbledon at umabot sa semifinal. Bunsod nito, nasibak siya sa top 10 ng 2016 world ranking.

Nahirapan din si Stan Wawrinka, ang U.S. Open champion, sa kanyang first round match, gayundin si No. 5-seeded Kei Nishikori.

Nalusutan ni Wawrinka, nakagawa ng pangalan sa impresibong kampanya sa Open noong 2014, si 35th-ranked Martin Klizan 4-6, 6-4, 7-5, 4-6, 6-4. Ginapi naman ni Nishikori si Andrey Kuznetsov 7-5, 1-6, 6-4, 7-6 (6), 6-2.

Nakausad din sina 2014 U.S. Open champion Marin Cilic, 2008 Australian Open finalist Jo-Wilfried Tsonga, No. 19 John Isner, No. 23 Jack Sock, No. 27 Bernard Tomic, No. 29 Viktor Troicki at No. 31 Sam Querrey.

Nakalusot din si No. 14 Nick Kyrgios, balik aksiyon mula sa suspensiyon bunsod ng mababang kalidad ng klaro sa Shanghai sa nakalipas na taon, kontra Gastao Elias, 6-1, 6-2, 6-2.

Tanging si No. 16 Lucas Pouille ang highest-ranked player na nasibak nang maaga sa torneo.