CAPAS, Tarlac - Isang binatilyo ang natagpuang patay sa Sitio Katorse Road sa Barangay Sta. Rita, Capas, Tarlac, nitong Lunes ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ni PO3 Aladin Ao-as, may mga sugat sa leeg at ulo at pinaniniwalaang pinaghahataw ng matigas na bagay si Mark Marvin Bucao, 16, ng Kalye 11, Bgy. Suizo, Tarlac City.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa ikadarakip ng mga suspek, habang nakalagak naman sa Lotus Funeral Homes sa Tarlac City ang labi ng binatilyo. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog