Prince Harry at Meghan copy

IPINAKILALA na ni Prince Harry ang kanyang girlfriend na si Meghan Markle sa kanyang sister-in-law na si Princess Kate at pamangkin na si Princess Charlotte, ayon sa The Sun.

Mula sa Norfolk home Anmer Hall ay nagtungo si Kate, na nagdiriwang ng kanyang ika-35 kaarawan noong Lunes, sa London nitong Martes para sa kanilang pagkikita na naganap sa Kensington Palace apartment.

Nakilala na ni Markle, 35, si Prince William dalawang buwan na ang nakalilipas. Noong Nobyembre, nagparating ng mensahe si William bilang suporta tungkol sa relasyon ng kanyang kapatid.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Naging maayos ang pagkikita nina Markle at Kate, ayon sa ulat ng The Sun, at may regalo pa si Markle sa Duchess of Cambridge na leather-bound na “dream diary.”

Nakapaglaan din ng panahon ang Suits actress kay Charlotte, na “who she just adored,” ayon sa The Sun.

“Kate was really looking forward to meeting Meghan and she knew how important it was to Harry,” saad ng source sa The Sun. “Obviously Harry’s mother, Princess Diana, died when he was very young so Kate really fulfills that older sister/maternal role. They are very close and he really values her opinion on girlfriends.”

Halos hindi na mapaghiwalay sina Harry at Markle. Nagtungo ang magkasintahan sa Tromso, Norway at nag-enjoy sa whale-watching at panonood ng Aurora Borealis.

Bagamat nagsama ang dalawa para pumili ng 6-foot Christmas tree noong unang bahagi ng Disyembre, hindi magkasama sina Harry at Meghan nitong holiday na inilaan nila sa kani-kanilang pamilya.

Ipinagdiwang ni Markle ang Pasko sa kanyang tahanan sa Toronto, Canada kasama ang kanyang pamilya, kinabukasan ay namataan na nagtungo sa yoga class kasama ang kanyang ina na si Doria Ragland.

Samantala, kasama ni Harry si Queen Elizabeth at ang royal family para sa kanilang taunang holiday festivities sa Sandringham.

Pagkaraan ng ilang buwang paglilihim sa namamagitan sa kanila, kinumpirma ng magkasintahan ang kanilang relasyon noong huling bahagi ng Oktubre. Una silang nagkatagpo noong Mayo nang magstop-over si Harry sa Toronto – habang nagsu-shooting doon si Markle para sa kanyang patok na USA show. (People.com)