MAGSISIMULA nang maging fun-days ang inyong Sunday ngayong hapon sa premiere telecast ng pinakabagong Kapuso game show na People vs. The Stars.

Drew and Iya
Drew and Iya
Sisimulan ng Kapuso hearththrobs na sina Alden Richards, Derrick Monasterio at Kristoffer Martin ang isang masaya at exciting na laban katunggali ang kanilang fans.

Sa one-of-a-kind entertainment program na ito na iho-host ng multi-talented power couple na sina Iya Villania at Drew Arellano ay maaaring manalo ang viewers ng P200,000.00 kung masasagot ang walong mind-boggling questions. Kapag nagkamali ng sagot ang stars, ang cash value ng katanungan ay ibibigay sa televiewers na maaaring sumagot sa pamamagitan ng text.

Dahil masaya ang show, hindi itinuturing na trabaho ni Iya ang People vs The Stars.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Actually, this is the first time I will be hosting this kind of show na makulit and entertaining. Natutuwa ako kasi I consider this my rest whenever I am not on my ‘mommy duties’ kay Primo kasi nakakatawa lang talaga dito. It’s as if I don’t work. Plus kasama ko pa asawa ko, so ‘yung fun talaga nandoon,” sabi ng first time mom.

Excited naman si Drew na makatrabaho ang kanyang wife.

“Excited ako kasi iba itong show na ito for us, kasi more enjoyable and light environment. Hindi siya ‘yung acting like sa mga shows namin ten years ago. Dito mas makikita nila kung sino kami inside our house, ganu’n lang talaga,” ani Drew.

So, masagot kaya nina Alden, Derrick at Kristoffer ang walong katanungan? O hahayaan nilang manalo ang kanilang avid fans?

Huwag palampasin ang excitement na dala ng People vs The Stars ngayong Linggo, 5-6 PM, sa GMA Sunday Grande.