IZA IAN AT BEA copy

AMAZED ang maraming fans sa biglang pagbongga ng career ni Ian Veneracion. Kung kailan nga naman siya nagkapamilya at nagkaedad ay saka siya nagkaroon ng kaliwa’t kanang malalaking projects at tinatawag pang heartthrob.

Tawa nang tawa si Ian nang makatsikahan namin sa presscon ng Ilawod dahil pati nga raw mga anak niya ay inaalaska na siya.

“Nakita kasi nila ‘yung Bench billboard ko sa Edsa at sabi nila, ‘Grabe dad, pa-cute ka d’yan, pa-cute ka!’ Sabi ko nga, hayaan n’yo na, tumatanda na nga, eh,” tumatawang kuwento ng guwapong aktor.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Samantala, nali-link si Ian kay Jessy Mendiola na girlfriend ngayon ni Luis Manzano at ni hindi naman niya nakakatrabaho kaya nagulat siya nang mabanggit ito sa kanya.

Ano ang reaksiyon ng asawa niya na gayong happily married sila ay may ganito nang tsismis tungkol sa kanya?

“Wala namang isyu, hindi namin napag-uusapan kasi alam naman niyang nasa showbiz ako, nakilala niya ako nasa showbiz na, so I don’t need to explain myself to anyone lalo’t hindi naman nagtatanong din ang wife ko. So, wala.

“Siguro sa showbiz, minsan mas importante ‘yung juiciness factor kaysa sa factual basis. ‘Yun nga, ‘pag juicy, mas okay ke may katotohanan o wala. Sanay naman na ako sa showbiz kasi dito naman na ako lumaki, and asawa ko nga hindi ako tinatanong so I don’t feel answerable naman to anyone. Kasi walang isyu talaga,” diing paliwanag ng aktor.

Nagkaka-crush pa ba si Ian?

“Oo naman, marami,” natawang sagot nito.

Sino?

“’Wag na. Hayaan na. Hindi naman nawawala na magka-crush ka kasi I’m an artist, I’m a painter, so alam mo ‘yun, marunong akong mag-appreciate ng inner beauty,” paliwanag sa amin.

Sino ang gusto niyang ipinta?

“Marami! Si Liza Soberano, ang ganda ng mukha, kaya maganda siyang ipinta.”

Ha-ha-ha, mas bata na lang ang binanggit ni Ian sa mga gusto niyang ipinta para hindi masabihang ‘crush kasi niya’.

Samantala, co-stars sina Ian at Iza Calzado sa pelikulang Ilawod na kasama rin niya sa A Love To Last na usap-usapan ng televiewers at netizens simula nang mag-pilot last Monday. Sumakto kay Ian ang role niya sa movie bilang writer na mahilig magsulat tungkol sa mga kakaibang bagay dahil mahilig siya sa paranormal.

Naikuwento niya na noong nabubuhay pa si Roy Alvarez ay sumasama siya sa mga paglalakbay nito sa mga bundok para makipagkilala sa mga manggagamot. UFO enthusiast si Roy.

“Curious ako sa ganu’n,” sabi ng aktor. “’Tapos kay Jaime Licauco naman, nag-take ako ng course sa kanya about past life regression, inner mind development, kasi ’yun nga, I find it interesting. Kasi it’s part of our culture na rin.

Kasi sa atin, marami tayong elementals na pinaniniwalaan. Dati, mga duwende, kapre, ’yung mga ganu’n.

“So, it’s very interesting lang to do some research about that. And it just so happens nga na ’yung karakter ko rito is a paranormal researcher, so, naiintindihan ko si Dennis, ’yung character. Nage-gets ko kung bakit siya interested in that,” kuwento ni Ian.

Pero hindi madaling maniwala sa mga kababalaghang nangyayari sa paligid si Ian.

“Open-minded ako but at the same time hindi naman sobrang gullible rin,” paliwanag niya.

Gumaganap si Iza bilang asawa niya sa Ilawod at komportable na sila sa isa’t isa dahil maraming beses na silang nagsama sa projects, at isa na nga ang umeereng A Love To Last kasama si Bea Alonzo.

Tawa nang tawa si Iza nang amining ginapang niya si Ian sa isang eksena sa Ilawod.

”Eh, kagapang-gapang naman siya,” sabi ni Iza na ikinatawa lang ang aktor.

Ano ang reaksiyon niya sa paggapang sa kanya ni Iza?

“Masarap naman,” ansabe!

Sey ni Iza, daring ang eksenang ginapang niya ang aktor dahil less clothing daw siya, pero si Ian ay hindi man lang nagpakilig sa mga babaeng manonood dahil balot na balot.

“Mas conservative kasi ako kaysa sa kanya,“ nakakaaliw na sabi ng aktor.

Mapapanood sa Enero 18 ang Ilawod mula sa direksiyon ni Dan Villegas, produced ng Quantum Films, MJM Production, Butchi Boy Production at Tuko Films. (REGGEE BONOAN)