CHARO AT LAV DIZ LANG_pls crop copy

NOMINADO sa tatlong kategorya sa 11th Asian Film Awards Academy ang pelikulang Ang Babaeng Humayo. Nominado for best director at best screenplay si Lav Diaz at para sa best actress naman si Charo Santos.

Sa March 21 gaganapin ang awards night ng 11th Asian Film Awards sa Hong Kong Cultural Centre. Ang jury head na pipili ng winners ay ang Chinese director na na Jia Zhangke. Kabilang naman sa celebrity juror ang Hong Kong actress na si Karena Lam.

Ang report ay galing sa ABS-CBN News Showbiz. Nominado rin ang Korean actor na si Gong Yoo para sa pelikulang Train to Busan. (Nitz Miralles)
BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas