piolo-copy

PURSIGIDO pa rin si Piolo Pascual na matutuloy ang seryeng pagsasamahan nila ni Toni Gonzaga. Ito ‘yung nai-announce nang Written In Our Stars na biglang na-shelve sa nagbuntis na si Toni.

Kuwento ni Papa P, nagkausap na sila ni Toni last Sunday sa ASAP at nabanggit nito na interesado pa rin ito sa serye nila.

“I asked her and both of us are still very interested to do it,” sey ng premyadong actor.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakapag-taping sila ni Toni noon ng pangdalawang linggong episodes ng Written In Our Stars. Kaya pareho silang umaasa na itutuloy pa rin iyon ng ABS-CBN management.

Mukhang hindi naman mabibigo sina Piolo at Toni dahil may napagtanungan kaming executive ng Dos na nagsabing pinag-aaralan ng management ang pagre-resume ng taping nina Piolo at Toni.

Last December ay ipinalabas ng Dreamscape ang teaser ng Written In Our Stars na maganda naman ang naging feedback at marami ang naging interesado na mapanood ang kabuuan nito.

Bukod kina Piolo at Toni, nasa orihinal na casting ng Written In Our Stars sina Sam Milby, Jolina Magdangal at Sarah Lahbati. Hindi sigurado ang source namin kung sila pa rin ang makakasama nina Papa P at Toni. (JIMI ESCALA)