Mikee Quintos Enca (1) copy copy

KINAGIGILIWANG panoorin sa Encantadia gabi-gabi si Mikee Quintos, dahil siya ang nagbibigay ng light moments sa mga seryosong eksena ng telefantasya.

Bilang Lira, ginagamit kasi niya ang mga salita mula sa daigdig ng mga tao na nilakhan niya bago siya napunta sa kaharian ng Lireo ng Encantadia.

Very cheerful ang character ni Lira na aware siyang unang ginampanan ni Jennylyn Mercado sa original na serye. Hindi kataka-taka ang napakalaking tuwa ni Mikee nang makaharap na niya ang Ultimate Star.

Trending

Netizens, 'laglag-panty' sa bodyguard ni VP Sara; sino siya?

“First time ko siyang makita kaya kinurut-kurot ko si Ruru (Madrid). Sabi ko ipakilala niya ako kay Ms. Jennylyn,” kuwento ni Mikee. “Lumapit kami ni Ruru at matapos akong maipakilala ni Ruru, nag-request ako sa kanyang magpa-picture at pumayag naman siya. Nang sabihin kong ‘pa-picture po sa original na Lira,’ doon niya na-realize na ako si Lira ngayon. Sabi niya, ‘Ay, oo nga, ikaw ‘yung Lira ngayon! Oo nga, ‘no!’ At habang nagpapa-picture kami, paulit-ulit niyang sinasabi na ako si Lira ngayon.”

Lalo pang gumaganda ang role na ginagampanan ni Mikee, lagi siyang pa-good vibes sa characters ng Encantadia, kaya hindi kataka-takang mahalin siya lalo ng netizens.

Natatandaan pa namin na nagustuhan din agad ng televiewers si Jennylyn noon at sa unang Encantadia. Kapapanalo pa lang ni Jennylyn noon bilang unang Ultimate Female winner ng Starstruck nang ipasok siya sa epic serye.

Sa tumatakbong istorya ngayon, pinagsisikapan ni Lira na mapagbago ang masamang ugali ni Pirena (Glaiza de Castro) at mapagbati ang mag-inang Pirena at Mira (Kate Valdez) na kahit mahal din ang ina ay hindi makalimutan na ipinalit siya sa tunay na si Prinsesa Lira sa kagustuhan nitong maagaw ang kapangyarihan kay Hara Amihan (Kylie Padilla), ang kinagisnan niyang ina.

Abangan ang lalo pang gumagandang kuwento ng Encantadia na napapanood gabi-gabi sa GMA 7 pagkatapos ng “24 Oras.”

(Nora Calderon)