UMAABOT sa 80 porsiyento ng mga manager ang naniniwala na dapat matutuhan ng mga lider at manager ang pagiging mahabagin, tunay na pagmamalasakit at pagiging mapagbigay sa kanilang mga tauhan.

Ito ang ang pangunahing resulta sa pag-aaral na inilathala ni Dr. Fiona Beddoes-Jones, managing director ng The Cognitive Fitness Consultancy, sa taunang conference ng Division of Occupational Psychology sa British Psychological Society sa Liverpool.

Napag-alaman ng CharteredPscychologist (Occupational) na si Dr. Fiona Beddoes-Jones na ang karamihan sa mahigit 300 manager/leader na lumahok sa pag-aaral ay hindi kuntento sa mainit na pagtanggap at pangangalaga na ipinapakita sa trabaho at naniniwala sila na mapapabuti ang kanilang pagkatao kung may namamayaning pagmamahal.

Nasa kabuuang 70 porsiyento ng kalahok ang nagsabi na nais nila ang ‘collaborative & supportive’ working environment, habang 26% ang nagsabi na gusto nila ang manager na ‘nurturing and kind’ o ‘unconditionally supportive.’

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

“People want clarity from a logical and pragmatic manager, but they also what to feel that a manager and the organisation genuinely care about them and that is often what is missing. In the drive for performance management the human touch gets overlooked,” paliwanag ni Dr Beddoes-Jones, “and as they say, people don’t care how much you know, until they know how much you care.”

Isinagawa ang pag-aaral sa mahigit 300 manager o leader na natipon sa tulong ng ilang business group sa social media (kabilang ang COPD, IoD at BPS). Halos 90 porsiyento ng mga kalahok ang nagtatrabaho sa UK at 44% ay mga lalaki. Ang mga kalahok ay nasa edad pagitan 51-65 (48%), 36-50 (38%) at 26-35 (7%) (Medical News Today)