Ariana at John copy copy

MAGSASAMA sina John Legend at Ariana Grande para awitin ang tema ng live-action na Beauty and the Beast remake ng Disney.

Aawitin ng dalawa ang unang kinanta ni Angela Lansbury noong 1991 na animated film at ini-record para sa soundtrack ng pelikula nina Celine Dion at Peabo Bryson. Isinulat nina Alan Menken at Howard Ashman ang awitin na nanalo ng Oscar at Grammy.

Mapapanood ang Beauty and the Beast na pinagbibidahan nina Emma Watson at Dan Stevens simula sa Marso 17. (AP)
BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas