WASHINGTON (AP) – Sa simpleng farewell ceremony ni Vice President Joe Biden noong Huwebes, isang malaking sorpresa ang ipinabaon sa kanya ng pangulo. Habang pinalilibutan ng mga lumuluhang kaibigan at pamilya, iginawad ni President Barack Obama ang Presidential Medal of Freedom sa lalaking tinawag niyang “the finest vice president we have ever seen.”

Nagulat ang vice president nang ipahayag ni Obama na iginagawad nito ang pinakamataas na civil honor ng bansa sa kanyang right-hand-man ng walong taon. Umiwas sa camera si Biden at nagpunas ng luha, at pagkanaka’y tumayo nang matuwid habang isinusuot ni Obama ang blue-and-white ribbon sa kanyang leeg.

“I had no idea,” sabi ni Biden kaugnay sa award, iginiit na hindi siya karapat-dapat dito.

Sinabi ni Obama na dahil kay Biden ay naging mas mabuti siyang pangulo, tinawag niya itong “a lion of American history.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“To know Joe Biden is to know love without pretense, service without self-regard and to live life fully,'' sabi pa niya.