JAKARTA – Puspusan ang paghahanda ni Indonesian standout Sunoto para sa kanyang laban sa Enero 14, ngunit nakatuon ang kanyang isipan sa napipintong rematch laban kay Pinoy fighter Edward Kelly.

Naunsiyami ang pangarap na pedestal ni Sunoto nang gapiin siya ni Kelly via three-round referee stop contest sa kanilang duwelo sa ONE: AGE OF DOMINATION noong Disyembre.

Sa tinatamasang three-match winning streak, liyamado si Kelly, ngunit kumpiyansa si Sunoto na magagawang makabawi sa karibal.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I want a rematch with Edward Kelly. My fight against him is my only loss in 2016. I would like to redeem myself by facing him again,” pahayag ni Sunoto.

Bago nakuha ni Kelly ang panalo, kontrolado ni Sunoto ang unang dalawang round ng kanilang featherweight fight, subalit nakalusot ang Pinoy sa krusyal na sandali para matibag ang moog ng kanyang depensa.

“I was close to finishing Edward Kelly. I believe that I was winning on the judges’ scorecards as well. It was an unfortunate ending for me,” pahayag ni Sunoto.

“I have all the respect in the world for Edward. He's a good man and a good fighter, but I believe that I have a big shot at winning if there will be a rematch in the future,” aniya.

Mapapalaban si Sunoto kontra hard-hitting Cambodian kickboxer Chan Heng sa ONE: QUEST FOR POWER bukas sa Jakarta Convention Center sa Indonesia.