NGAYONG Pebrero, buwan ng pag-ibig, ipalalabas ng T-Rex Entertainment ang Moonlight Over Baler, isang kuwento ng walang kamatayang pagmamahalan na sinakop ang dalawang mahahalagang pangyayari sa bansa: ang World War II noong 1940s at ang EDSA Revolution noong 1980s.

Ito ay kuwento ng pag-ibig na nagsimula noong panahon ng digmaan noong dekada 40 at nagtapos sa dekada 80, sa panahon ng rehimeng Marcos.

Bida sa Moonlight Over Baler sina Elizabeth Oropesa, Ellen Adarna, at ang tambalan nina Vin Abrenica at Sophie Albert. Kabituin din sina Daria Ramirez, Menggie Cobarrubias at Angie Ferro, produced ni Rex Terri, isinulat ni Eric Ramos at idinirehe ni Gil Portes.

Tampok ang mapanglaw na awiting O Maliwanag Na Buwan, ang Moonlight Over Baler ay pre-Valentine offering ng T-Rex Productions.

Tsika at Intriga

New collab? Salome Salvi, ngiting-wagas sa 2 kasamang lalaki sa pic

Kinunan sa napakaganda at makasaysayang bayan ng Baler sa Aurora Province, magsisimula ang pelikula sa pagbisita sa Baler ng isang Japanese journalist (Vin) na kumober sa EDSA Revolution. Kakatwang siya ay kamukha ng dakilang pag-ibig ng isang matandang dalaga (Elizabeth), isang sundalo na namatay noong digmaan (ginagampanan din ni Vin). Si Sophie ang gumaganap bilang batang Elizabeth.

Magtatagpo ang kanilang landas, na mauuwi sa isang espesyal na pagkakaibigan.

Mahuhulog ang loob ng Japanese sa magandang dilag ng bayan (Ellen), na sinang-ayunan ng retiradong guro. Ngunit binugbog ng isa pang manliligaw ng dalaga ang Japanese, kaya’t nilisan nito ang Baler.

Ang pangyayaring ito ang magpapaalala sa guro sa kanyang mapait na nakaraan.

Malungkot na masaya ang wakas, at magiging katunayan na nalalampasan ng pag-ibig ang lahat, at ito ay mananatili.

Gaya ng sinasabi sa awitin, “The world will always welcome lovers as time goes by.”