drew-barrymore-copy-copy

BONGGA at takaw-pansin ang Hollywood star na si Drew Barrymore sa Golden Globes Awards red carpet nitong nakaraang Linggo sa suot na gown mula sa Spring 2017 Collection ng sikat na Pilipinong fashion designer na si Monique Lhuiller.

Metallic at “shimmering” sa nagkikintabang maliliit na detalye ang V-neck gown. Inangkupan ito ng itim na manicure ng aktres at retro-inspired look na sumungkit sa spotlight at panlasa ng netizens.

“Flawless. Perfection” ang pagkakalarawan ni Lhuiller sa Hollywood star.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Bukod kay Barrymore, suot din ng “Fit for Fashion” host na si Lousie Roe ang isa sa 2017 Spring Collection ni Monique sa nakaraang Golden Globes Awards.

Kilala ang mga likha ni Monique sa pastel na kulay at maging sa kakaibang uri ng tela na kanyang ginagamit.

Ang ilan pa sa Hollywood celebrities na binibihisan ni Monique Lhuiller ay ang modelo ng Victoria’s Secret na si Romee Stridj, sina Katy Perry at Taylor Swift at sina Camilla Belle, Zendaya, Sarah Hyland, Gwyneth Paltrow, Jennifer Lopez, Scarlett Johansson, Kristen Stewart, at Reese Witherspoon. (DIANARA T. ALEGRE)