Kinilala ang Sto. Nino Ati-Atihan ng Festival ng Kalibo, Aklan bilang isa sa greatest party sa buong mundo.

Inihayag ng travel website na Thrillist.com na kabilang ang Ati-Aatihan sa dapat na dayuhing street party sa mundo, kasama ang King’s Day ng Netherlands, World Music Festival ng Morocco, Fusion Festival ng Germany at iba pa.

Ayon kay Kalibo Councilor Philip Kimpo, chairman ng committee on tourism, posibleng kinilala ang Ati-Atihan ng Kalibo bilang isang party dahil lahat ay puwedeng makisali sa sayawan sa kalye. (Jun N. Aguirre)

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA