INAMIN ni Arci Muñoz sa presscon ng kanyang bagong pelikulang Extra Service na loveless o single na uli siya.

Kaya’t nang tanungin kung break na nga ba sila ng kanyang longtime boyfriend na si Badi del Rosario, ang kanyang sagot, “Yeah... hindi, siyempre wala lang... wala, I’m gonna enjoy my life,” sabay tawa.

“I’ve learned na I need to maybe focus muna na ang dami-daming nangyayari sa life ko,” dugtong ng dalaga. “So, maybe I need to focus muna sa isang bagay, di ba?”

Malungkot at malamig ang Pasko ni Arci dahil naghiwalay ng landas nilang dalawa, “Since Christmas, before the holidays.”

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Nagkakaroon sila ng problema.

“We tried to fix it, but hanggang sa... hayun,” aniya.

Wala na bang balikan?

“Malay n’yo naman maayos! Wala lang, ang tagal ko kasing hindi naging single kaya ganu’n pala yung feeling! Friends naman kami. Siyempre umaasa pa, pero hindi, maintain lang ‘yun para wala namang bigat, di ba? Para rin naman sa akin ‘yun, eh!” ani Arci .

Sa kabilang banda, masaya si Arci na nagkaroon siya ng panahon na makipag-bonding muli sa mga kaibigan na matagal na niyang hindi nakakasama.

“Hindi ko na alam, nakita ko na ‘yung mga friends ko na medyo na-shutdown ko noong happily in a relationship pa ako.

Siyempre, I don’t wanna miss out on that,” sey pa ng leading lady ni Jericho Rosales sa seryeng Magpahanggang Wakas.

(Ador Saluta)