drake-copy

NANGUNA ang rapper na si Drake sa 2017 iHeartRadio Music Awards sa pagkakaroon ng 12 nominasyon kabilang ang male artist of the year, at may 11 nominasyon naman ang electronic duo na The Chainsmokers, kabilang ang song of the year para sa Closer kasama si Halsey.

Inihayag ng iHeartMedia at Turner ang mga nominado noong Miyerkules. Inihayag din na magtatanghal si Bruno Mars sa ikaapat na annual awards show, na gaganapin sa Marso 5 sa Los Angeles at ipapalabas sa TBS, TNT, at truTV, pati na rin ang pag-simulcast sa iHeartmedia stations.

Nadagdagan ang mga nominado ngayong taon na umabot na sa mahigit 30 kategorya. Ang iba pang multiple nominee ay ang Twenty One Pilots, sina Rihanna, Justin Bieber, Ariana Grande, Beyonce, Daya, Halsey, Nicky Jam, at Sia.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ibebenta na ang mga tiket nito simula sa Biyernes. (AP)