christ-at-soulja-copy

MUKHANG sa boxing ring mauuwi ang social media war nina Chris Brown at Soulja Boy sa tulong ni Floyd Mayweather.

Inihayag ng dalawa na pumirma sila para sa tatlong round na boxing match na ipapalabas sa pay-per-view at ipo-promote ng mga kumpanya ni Mayweather.

Nag-post na si Soulja Boy sa Instagram tungkol sa laban nila ni Brown nitong Miyerkules at sinabi sa caption na:“It’s going down! Signed my contract.” Sinabi rin ni Soulja Boy na tini-train siya ni Mayweather para sa laban, na gaganapin sa Marso sa Las Vegas.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Inihayag din ni Brown sa Instagram na nakatakda na ang laban nilang dalawa.

Nagsimula ang iringan nina Chris Brown at Soulja Boy mag-like ang huli sa larawan ipinost ng ex-girldfriend ni Brown na si Karrueche Tran sa Instagram. (AP)